Thursday, April 16, 2009

MAYOR FRED LIM AND HIS INNER CIRCLE


Kuwestionableng appointments sa Manila City Hall, nabunyag

Nagbabala ang Civil Service Commission (CSC) sa Manila City government kaugnay ng mga itinatalagang opisyales sa City Hall, na hindi kuwalipikado sa posisyong ibinigay dito.

Sa panayam ng Balita kay CSC-Manila Director Arturo Panaligan, ibinunyag nitong “invalid” ang mga appointment ng ilang opisyales sa lungsod dahil sa kawalan ng sapat na credentials, gaya ng karanasan, training at civil service eligibility, na rekisitos para sa posisyon ng mga ito.

Kabilang sa mga hindi kuwlipikado ang mga itinalagang officer in charge (OIC) sa City Hall, gaya nina Franklin Gacutan ng Mayor’s Complaint and Action Team (MCAT); Roland Lim, ng Manila Barangay Bureau (MBB); Nino dela Cruz,ng Manila Sports Council (MASCO); Gemma Cruz-Araneta, ng Manila Tourism and Cultural Affairs; Jay dela Fuente, ng Manila Social Welfare Department; Levi Arce, ng Department of Public Service(DPS); Peter Tamondong, ng Manila North Cemetery; Henry Dy, ng Manila South Cemetery; Joey Silva, ng Personnel Division, at anim na iba pang opisyal.

Ito ang natuklasan ng CSC nang magsagawa ng ebalwasyon at auditing ang komisyon sa lahat ng kawani at opisyales ng Manila City Hall mula Nobyembre 17 hanggang Disyembre 12, 2008.

Sa ipinalabas na utos ng CSC nitong Marso 12, na utos ng CSC nitong Marso 12, idineklarang “invalid” ang nasabing appointments at dapat –recall ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagkakatalaga ng mga ito sa loob ng 15 na araw, mula nang matanggap ng alkalde ang order.

“Mahigpit po itong (invalid appointments) pinagbabawal at maaring makasuhan ang mga ito (appointees) kung hindi sila bababa sa kanilang puwesto,” ani Panaligan.

Bukod sa kuwestiyonableng appointments, nakasaad din sa CSC report na maraming opisyales at kawani ng City Hall ang hindi gumagamit ng bundy clock, walang sapat na employee uniform at iba pang paglabag.

Article written by:

Ricky Sunga

The preceding article was taken from BALITA dated Wednesday April 15, 2009.




No comments:

Post a Comment